Wednesday, November 4, 2020

AP3 QUARTER 1 Module 5 "Anyong Tubig at Anyong Lupa sa Aking Rehiyon"

 Ang Pambansang Punong Rehiyon o Kalakhang Maynila ay isang maunlad rehiyon. Naiiba ito sa ibang rehiyon dahil binubuo ito ng mga lungsod at bayan. Subalit gaya ng ibang mga lalawigan sa iba pang

mga rehiyon ng Pilipinas, binubuo ang kalawakan ng NCR ng mga kapatagan at kalupaan ang rehiyong ito at iilan lamang ang katubigan dito. Ang kapatagan ng rehiyon ay nakapagitna sa dalawang

malalaking anyong tubig; ang Look ng Maynila at Lawa ng Laguna. Sa mga anyong tubig na ito nanggagaling ang halos lahat ng pagkaing dagat.

 

Mga Anyong Tubig

 Kung susuriing muli ang mapa ng NCR, makikita na nasa kanlurang bahagi nito ang Look ng Maynila at nasa timog-silangan ang Lawa ng Laguna. Mayroon kayang pagkakaugnay ang mga katubigang ito?

Mga Ilog sa Metro Manila 

Ilog Pasig – pangunahing ilog sa Metro Manila dahil dito  dumaraan ang mga katubigang daluyan (Tributes) ng ilog Pasig.

1.  Ilog Taguig – Nasa pagitan ito ng bayan ng Pateros at lungsod ng Makati.

2. Ilog Pateros – Nag-uugnay ito sa ilog Marikina at Napindan Channel.

3. Ilog Marikina – Isa sa malaking daluyan ng tubig sa NCR. Dumadaloy ito sa Ilog Pasig mula sa bundok ng Rizal. Bahagi ito ng lambak ng Marikina.

4. Ilog San Juan - Dumadaloy ito sa talampas ng Lungsod Quezon na kung saan dumadaloy ang sapa ng Diliman Creek.

5. Mga sanga-sangang estero (kanal) sa buong rehiyon. Pinaguugnay  ang ilan sa mga ito ng Ilog Tullahan na nasa hilaga at ilog Parañaque na nasa kanluran.

 

Mga Anyong Lupa

 Ang Pambansang Punong Rehiyon o Kalakhang Maynila ay malawak na kapatagan sa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog-silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog, at sa Cavite sa timog-kanluran.



Talampas – ang Lungsod Quezon ay isang talampas at isang lugar sa Guadalupe, Lungsod ng Makati.

Lambak – ang Lungsod ng Marikina ay isang lambak na kung

saan makikita ang ilan sa taniman ng mga gulay.

 Kapatagan – ang lungsod ng Maynila at Makati ay mga kapatagan bukod sa Guadalupe.

No comments:

Post a Comment

ARALING PANLIPUNAN VIDEO LESSONS (3rd Quarter - 4th Quarter)

FOURTH QUARTER AP Q4 LESSON 6 AP Q4 LESSON 5 AP Q4 LESSON 4 AP Q4 LESSON 3 AP Q4 LESSON 2 AP Q4 LESSON 1 SUMMATIVE TEST Q4 THIRD QUARTER AP ...