Wednesday, November 4, 2020

MATH 3 QUARTER 1 MODULE 4 Aralin 1: "Paghahambing ng Halaga ng mga iba’t-ibang Denominasyon ng Perang Barya at Papel Hanggang ₱1,000 Gamit ang “Relation Symbols”

 Sa paghahambing ng perang barya at papel,kinakailangan na kilala mo ang halaga ng bawat uri nito upang madali mo itong mabilang. Madali mo nang nabibilang ang halaga ng bawat uri ng pera, madali na rin para iyo na alamin kung alin ang may mas malaking halaga o may mas maliit na halaga.

Sa paghahambing, gumagamit tayo ng mga simbolo upang maipakita ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga perang barya at perang papel.

Ito ay ang mga simbolong:

“greater than” ( > ) , ipinapakita na ang halaga ng pera na nasa gawing kaliwa ay may mas malaking halaga 

 “less than”( < ) , ipinapakita na ang halaga ng pera na nasa gawing kanan ay may mas malaking halaga at “equal” ( = ) kapag magkasinghalagai ang dalawang halaga na pinaihahambing.


Samakatuwid ang limang piraso ng ₱10.00 ay mas malaki kaysa sa walong pirasong ₱5.00. Ang simbulo na ginamit sa kahon ay "greater than (>)".










Magkano ang halaga ang perang papel sa gawing kanan? _____

Magkano naman ang sa kaliwa? ______

Ano ang simbolo ang nasa loob ng kahon? _______

Ang halaga ng nasa kaliwa ay ₱500 at ang nasa kanan ay 

₱500 din, kaya ang simbolo na dapat nasa loob ng kahon ay ( = )

“equal” 



 Mas malaki pa rin ang halaga ng nasa kanang bahagi na pera kesa sa kaliwang bahagi na may dalawang papel na pera (Php 200) at pitong barya(Php 10.00) . Ang ginamit na simbulo sa kahon ay "less than (<)".



Ang PAGHAHAMBING ay paraan na ginagamit upang maipakita ang pagkaka-iba at pagkakapareho ng mga halaga ng pananalapi. Gamitin ang simbolo na GREATER THAN ( > )

kung mas malaki ang halaga ng nasa gawing kaliwa . LESS THAN (<) ang simbolong gagamitin kung ang halaga sa gawing kanan ang mas malaki. Kung ang halaga ng dalawang

inihahambing ay magkapareho, ang simbolong EQUAL ( = ) ang dapat na gamitin.




No comments:

Post a Comment

ARALING PANLIPUNAN VIDEO LESSONS (3rd Quarter - 4th Quarter)

FOURTH QUARTER AP Q4 LESSON 6 AP Q4 LESSON 5 AP Q4 LESSON 4 AP Q4 LESSON 3 AP Q4 LESSON 2 AP Q4 LESSON 1 SUMMATIVE TEST Q4 THIRD QUARTER AP ...