Sa paghahambing ng perang barya at papel,kinakailangan na kilala mo ang halaga ng bawat uri nito upang madali mo itong mabilang. Madali mo nang nabibilang ang halaga ng bawat uri ng pera, madali na rin para iyo na alamin kung alin ang may mas malaking halaga o may mas maliit na halaga.
Sa paghahambing, gumagamit tayo ng mga simbolo upang maipakita ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga perang barya at perang papel.
Ito ay ang mga simbolong:
“greater than” ( > ) , ipinapakita na ang halaga ng pera na nasa gawing kaliwa ay may mas malaking halaga
“less than”( < ) , ipinapakita na ang halaga ng pera na nasa gawing kanan ay may mas malaking halaga at “equal” ( = ) kapag magkasinghalagai ang dalawang halaga na pinaihahambing.
Magkano ang halaga ang perang papel sa
gawing kanan? _____
Magkano naman ang sa kaliwa?
______
Ano ang simbolo ang nasa loob ng
kahon? _______
Ang halaga ng nasa kaliwa ay ₱500 at ang nasa kanan ay
₱500 din, kaya ang simbolo na dapat nasa loob ng kahon ay ( = )
Ang PAGHAHAMBING
ay paraan na ginagamit upang maipakita ang pagkaka-iba at pagkakapareho ng
mga halaga ng pananalapi. Gamitin ang simbolo na GREATER THAN ( > )
kung mas malaki ang halaga ng
nasa gawing kaliwa . LESS THAN (<)
ang simbolong gagamitin kung ang halaga sa gawing kanan ang mas malaki. Kung
ang halaga ng dalawang
inihahambing ay magkapareho, ang
simbolong EQUAL ( = ) ang dapat na
gamitin.