Thursday, November 5, 2020

MATH 3 QUARTER 1 MODULE 4 Aralin 2: "Pagsasama-sama o Addition ng 3 hanggang 4 na digit na bilang na may 3-addends na mayroong regrouping at walang regrouping."

    Ang Pagsasama-sama o Addition ng mga bilang ay paraan ng pagdaragdag ng mga addends upang makuha ang kabuuan nito. Ang mga bilang na pinagsasama-sama ay tinatawag na “addends”.Ang sagot sa pagsasama-sama ng mga bilang ay tinatawag na “sum” o kabuuan. WALANG REGROUPING 

Halimbawa 1: 312 + 121 + 354 = ______



1. Add the ones ( 2 + 1 + 4 = 7 )    (Pagsamahin ang mga bilang sa place Addends value ng isahan o "ones")

2. Add the tens ( 1 + 2 + 5 = 8)  ( Pagsamahin ang mga bilang sa place value ng sampuan o "tens")



       

3. Add the hundreds ( 3 + 1 + 3 = 7) ( Pagsamahin ang mga bilang place value ng daanin o "hundreds") Ang sum ay 787. SUM ang tawag sa sagot ng addition. 

    Sa pagsisimula ng pagsasama-sama, kailangan munang ayusin ang mga bilang nang nakahanay o nakalinya ayon sa kanilang place value. Sumunod naman ay magsimulang magadd sa place value ng ones, susundan ng tens, pangatlo ang hundreds at huli sa thousands. Kung ang pagsasama-sama ay may regrouping kailangan mo “mag-regroup”. Inilalagay ito sa itaas ng kasunod na bilang. “Regroup” ang tawag sa mga bilang inilalagay sa itaas ng mga addends at isinasama sa pag-a-add.  

Halimbawa ng pagsasama-sama na may regrouping:

May Regrouping Hakbang sa Pagsasama-sama o Addition na may REGROUPING

Halimbawa 2: 1 283 + 4 795 + 2 674 = ______

1. Add the ones ( 3 + 5 + 4 = 12)  (Pagsamahin ang mga bilang sa ones, kung ang sum ay 10 pataas mag- regroup sa place value ng sampuan.

2. Add the tens ( 8 + 9 + 7= 24 + 1 = 25)  ( Pagsamahin ang mga bilang sa sampuan at idagdag ang bilang na ni-regroup). Kung ang sum ay 10 pataas mag-regroup sa place value ng hundreds.

3. Add the hundreds(2 + 7 + 6= 15 + 2= 17) (Pagsamahin ang mga bilang sa daanin at idagdag ang bilang na ni-regroup). Kung ang sum ay 10 pataas mag-regroup sa libuhan. 


4. Add the thousands ( 1 + 4 + 2= 7 +1=8) ( Pagsamahin ang mga bilang sa libuhan at idagdag ang bilang na ni-regroup.) 

ARALING PANLIPUNAN VIDEO LESSONS (3rd Quarter - 4th Quarter)

FOURTH QUARTER AP Q4 LESSON 6 AP Q4 LESSON 5 AP Q4 LESSON 4 AP Q4 LESSON 3 AP Q4 LESSON 2 AP Q4 LESSON 1 SUMMATIVE TEST Q4 THIRD QUARTER AP ...